_pang-masa
^

PM Sports

Choco Mucho nalo uli

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy ang arangkada ng Choco Mucho nang pataubin nito ang Sta. Lucia Realtors, 25-17, 25-22, 25-20, para sa ikalawang sunod na panalo sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Balanseng atake ang inilatag ng Flying Titans kalakip ang solidong floor defense upang pigilan ang anumang pagtatangka ng Lady Realtors.

Bida na naman si Kat Tolentino na humataw ng 18 puntos tampok ang 16 attacks habang naglista naman si Ponggay Gaston ng walong puntos.

Patuloy na inaalat ang Lady Realtos na nakalugmok sa 1-3 marka.

Tig-siyam na puntos lang ang nakuha nina Mika Reyes at Jonah Sabete para sa Lady Realtors.

Magpapatuloy ang bakbakan bukas kung saan masisilayan na sa aksiyon sa wakas ang Perlas Spikers na haharap sa Choco Mucho sa alas-3 ng hapon.

Matatandaang sumailalim sa quarantine at panibangong swab test ang buong Perlas Spikers squad matapos magpositibo ang isa sa staff ng tropa. 

Walang laro tuwing Sabado dahil nakalaan ito sa swab testing.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with