^

PM Sports

Portland kumapit sa No. 6

Pang-masa
Portland kumapit sa No. 6

PORTLAND, Ore. — Lalo pang pinahigpit ng Trail Blazers ang pagkapit sa No. 6 spot sa Western Conference matapos bugbugin ang sibak nang Houston Rockets, 140-129.

Kumamada si Damian Lillard ng 34 points para pamunuan ang Trail Blazers (40-20) at iwanan sa No. 7 ang nagdedepensang Los Angeles Lakers (38-30) sa kanilang agawan para sa awtomatrikong playoff berth.

Para pormal na makuha ang playoff spot sa West ay kailangang walisin ng Portland ang huli nilang tatlong laro kontra sa mga playoff-bound na Utah Jazz (50-19), Phoenix Suns (48-20) at Denver Nuggets (44-24).

Ang isang kabiguan ng Trail Blazers kasabay ng pagwalis ng Lakers sa huli nilang apat na laban ang magbibigay sa tropa ni LeBron James ng No. 6 playoff seat.

Kapwa umiiwas ang Portland at Los Angeles na maglaro sa play-in tournament kung saan maglalabanan ang No. 7 at 8 teams para sa No. 7 seeding at ang matatalo ay haharap sa winning team sa pagitan ng No. 9 at No. 10 squads, para pag-agawan ang ikawalo at huling playoff spot.

Sa San Francisco, inangkin naman ng Golden State Warriors (36-33) ang play-in spot sa West matapos itakas ang 119-116 panalo sa Jazz tampok ang game-winning triple ni Stephen Curry sa huling 14 segundo.

vuukle comment

PORTLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with