^

Fernandez Chef De Mission sa 31st Hanoi SEA Games

Russell Cadayona (Pang-masa) - January 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez ang napili ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino para maging Chef De Mission sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Nangako si Fernandez na gagawin niya ang kanyang makakaya para matugunan ang pangangailangan ng mga national athletes na sasabak sa nasabing biennial event sa Nobyembre.

Nang makopo ng Team Philippines ang overall championship ng 2019 SEA Games ay si PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang gumanap bilang Chef De Mission.

Kabuuang 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals ang kinolekta ng mga atleta para angkinin ang overall crown.

Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, nahinto ang pagsasanay ng mga national athletes kaya mahihirapan ang Team Philippines na maidepensa ang titulo sa 2021 Vietnam SEA Games, ayon kay Tolentino.

Samantala, hinirang naman ni Tolentino si Ricky Lim ng karate bilang Chef De Mission para sa 2021 Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMG) sa Thailand.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with