^

PM Sports

May misyon pa sina Pasaol at Munzon

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tapos na ang laban nina national players Alvin Pasaol at Joshua Munzon, sa 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup, naibulsa nila ang P1-M na premyo.

Pero hindi pa tapos ang kanilang misyon, may giyera pa silang susuungin,-- makakuha ng ticket para sa 2021 Tokyo Olympics.

Kaya tiyak na paghahandaan ng dalawang top two 3x3 players ng Pilipinas ang FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Austria sa May 26 hanggang 31, 2021.

Katuwang nina Pa-saol at Munzon sina Troy Rike at Santi Santillan sa pag-akbay sa Zamboanga City Family’s Brand Sardines para masilo ang korona sa President’s Cup.

Kasama ang napanalunan sa preseason, legs 1, 2 at 4, may kabuuang P1.35-M ang nasikwat ng tropa ni Pasaol.

Tinalo ng  Family’s Brand Sardines sa Grand Finals ang Nueva Ecija Rice Vanguards, 22-19.

Kinahon ng Family’s Brand Sardines ang panalo matapos isalpak ni Munzon ang panelyong two points.

“Those are the shots I’ve been taking the tournament,” ani Munzon. “It felt good coming out of my hands. I was confident about that shot.”

Hindi naman umuwing luhaan ang Rice Vanguard, nahamig nila ang P300,000.

Samantala, hinirang na kampeon si Janus Lozada ng Petra Cement-Roxas sa Two-Point Shootout.

Kung walang aberya sa schedule, makakasama nina Pasaol at Munzon para iwagayway ang bandera ng Pilipinas sa FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament sina PBA players na sina CJ Perez at Moala Tautuaa.

vuukle comment

CHOOKS-TO-GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with