Daquis join sa #ManilaBayChallenge
Rachel Ann Daquis
Daquis join sa #ManilaBayChallenge
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi nagpahuli si Cignal HD Spikers ace player Rachel Ann Daquis sa #ManilaBayChallenge na pinauso ng netizens kamakalawa.

Pinasimulan sa social media ang #ManilaBayChallenge kung saan magpo-post ka ng picture mo sa dagat kasama ang larawan ng mga nagsisiksikang tao sa may hagdan sa Manila Bay.

Nitong weekends ay pansamantalang binuksan sa publiko ang bahaging ‘white sand’ beach ng Manila Bay na dinagsa at pinagkaguluhan ng mga tao at hindi na nasunod ang social distancing.

“Social Distancing muna bago picture! Ako lang ‘to,” patawa ng volleyball superstar sa Facebook kadikit ang kanyang sunbathing photo sa isang beach front.

Tuwang-tuwa ang netizens sa entry ng dating national women’s volleyball team member sa pakulo na ito sa social media at nakalikom na ito ng 36k reactions at halos 400 comments.

 

RACHEL ANN DAQUIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with