Iba ang pangalan ng mga NBA players sa jersey
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa pagbabalik-aksiyon ng NBA noong Huwebes, nakakapanibago ang mga pangalan sa jersey ng mga players.

Imbes na pangalan ng mga players ay mga mensaheng nais nilang ipara-ting  bilang pagpoprotesta sa patuloy na racial discrimination sa America.

Black Lives Matter, Equality, Freedom, Enough, Love Us, Stand Up, Peace, Respect Us, How Many More at iba pa ang nasa taas ng numero ng kanilang jersey.

Makikita rin sa mga t-shirts, wam ups at sapatos ang salitang ‘Black Lives Matter,” na mababasa sa malalaking letra sa basketball court.

Kahit bawal, lumuhod ang mga players at mga opisyal kapag tinutugtog ang national anthem ng Amerika.

Ang lahat ng ito at pagpapakita ng pagkakaisa ng NBA para wakasan ang racial discrimination at police brutality.

Nagsimula ang kabi-kabilang protesta sa America nang mapatay ng mga pulis ang ilan sa mga Black Americans gaya ni Breonna Taylor noong Marso at si George Floyd noon lamang Mayo.

 

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with