^

Brownlee muling tinapik ng SMB-Alab

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lalong magliliyab ang Alab Pilipinas sa pagba­balik ng dating pambatong si Justin Brownlee para samahan sila sa natitirang bahagi ng 2019-2020 ASEAN Basketball League.

Kinuha ng Philippine ball club ang pamilyar na import upang palitan si Prince Williams na bi­gong makatulong sa anim na laro.

Pumalit noong naka­raang buwan kay Khalif Wyatt, may malamyang 9.6 points at 4.3 rebounds lamang ang ambag ni Williams na siyang dahi­lan ng kanyang pagkakasibak.

Inaasahang darating ngayon si Bronwlee sa bansa upang samahan sa pagsasanay ang koponan, ayon kay team owner Charlie Dy.

Lalaro na siya agad sa Miyerkules sa pagbabalik-aksyon ng Alab kontra sa Westports Malaysia Dra­gons sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur.

Taliwas kay Williams, malaki ang maaasahan ng Alab kay Brownlee na kilala nang resident im­port hindi lamang para sa Ginebra sa PBA kundi gayundin sa ibang liga sa Asya.

Ito ang pagbabalik ng 31-anyos na manlalaro sa Alab na tinulungan ni­yang magkampeon sa ABL noong 2018 kasama ang katambal na si Renal­do Balkman.

Kagagaling lamang ni Brownlee sa kanyang ikaanim na tour of duty sa Ginebra na ginabayan niya sa PBA title sa likod ng mga averages na 29.0 points, 13. 6 rebounds, 7.2 assists, 2.0 steals at 1.4 blocks.

Bagamat natalo ulit si­ya sa karibal na si Allen Durham ng Meralco para sa Best Import award, nakuha niya ang ikaapat na titulo sa Ginebra matapos ang 4-1 na panalo ng Gin Kings sa katatapos lamang na PBA Governors’ Cup.

Sa Alab ay makakasama ni Brownlee sina Nick King at Sam Deguara.

 

BROWNLEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with