^

PM Sports

Breakout game ni Hernandez para sa Pampanga

Pang-masa

ANGELES, Pampanga, Philippines — Nagsalpak si ex-pro Levi Hernandez ng career-high na 29 points para tulungan ang Pampanga Lanterns sa 81-75 pagpapatumba sa Nueva Ecija Rice Vanguards sa 2019-20 Chooks-to-Go MPBL Lakan Season dito kamakalawa ng gabi.

Nagsalpak si Hernandez ng magandang 10-of-18 fieldgoal shooting kasama dito ang apat na three-point shots para sa panalo ng Pampanga.

Pinaganda ng Giant Lanterns ang kanilang record sa 16-9, para makatabla sa fifth spot ang Bataan Risers sa ilalim ng fourth-place Bulacan Kuyas.

“Sobrang ginanahan talaga ako kasi home court namin ito eh, nanonood ang mga taga Pampanga kaya ginawa ko lang ang best ko para makuha ‘yung panalo,” wika ng dating Arellano standout.

Ito ang pinakahihintay na breakout performance ng 25-anyos, napili bilang 37th overall pick noong 2016 PBA Rookie Draft.

Iginiya ni Hernandez ang Giant Lanterns sa 19-3 panimula para iwanan ang Rice Vanguards sa pagbubukas ng laro.

“Lagi kong nakikita sa ensayo ‘yung husay ni Levi. Ito ‘yung inaabangan ko, ‘yung maipakita niya sa laro,” wika naman ni Pampanga head coach Bong Ramos kay Hernandez.

Ang magandang inilaro ng 6-foot-1 shooter na tubong San Luis, Pampanga ay mula sa kanyang matinding work ethic.

“Lumabas na ‘yung ineextra work ko lagi sa shooting. Kapag sa practice kasi, kahit hindi pa kami nag-start, nag-extra shooting na ako. Ina-apply ko lang ‘yun sa laro ko ngayon, thankfully gumana,” sabi ni Hernandez.

Sa iba pang laro, tinalo ng Batangas-Tanduay ang Iloilo, 65-59, habang binigo ng 1Bataan-Camaya Coast ang Manila-Frontrow, 77-76.

 

 

vuukle comment

HERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with