San Juan iniwan ni Cardona

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng San Juan-Go for Gold ang pag-abandona ni veteran Mac Cardona sa kanilang kampanya sa 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season.

Ayon sa Knights, may personal na dahilan si Cardona sa kanyang biglaang pag-alis sa koponan.

“As we start the year 2020, the San Juan Knights-Go for Gold will move forward without one of our veteran presence in Macmac,” nakasaad sa official statement ng San Juan. “He resigned from the team due to personal reasons.”

Napanood ang 38-anyos na produkto ng La Salle sa 20 games ng Knights ngayong season kung saan siya nagtala ng mga averages na 7.6 points, 2.8 rebounds at 1.7 assists.

Isa si Cardona sa mga naging susi ng San Juan para pagharian ang 2018-19 Datu Season.

Kasalukuyang nangunguna ang Knights sa North Division bitbit ang 21-3 record kasunod ang Manila Stars.

Nakatakdang labanan ng San Juan ang Pasig-Sta. Lucia Realtors sa Enero 11 sa Filoil Flying V Centre.

Show comments