Mayweather binanatan ni Tyson
MANILA, Philippines — Binanatan ni dating world champion Mike Tyson si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. na pinangalan ang kaniyang sarili bilang “best ever” boxer sa buong mundo.
Ayon kay Tyson, tila nahihibang na si Mayweather matapos sabihing mas magaling ito kina boxing le-gends Sugar Ray Robinson at Muhammad Ali.
“He’s very delusional. Listen, if he was anywhere near that realm of great as Muhammad Ali, he’d be able to take his kids to school by himself,” ani Tyson sa panayam ng boxingnoir.com.
Sinabi ni Tyson na mas maiging hayaan ni Mayweather na ang mga tao ang humusga para matukoy ang “greatness” sa boksing.
“Okay, he can’t take his kids to school by himself, and he’s talking about he’s great? Greatness is not guarding yourself from the people. It’s being accepted by the people. He’s a little scared man. He’s a very small, scared man,” ani Tyson.
Sa hiwalay na panayam ng ESPN, inihayag ni Mayweather na may respeto ito sa mga legendary boxers. Ngunit kasabay nito ang pag-ako na siya ang pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan ng boksing.
Malakas ang loob ni Mayweather dahil armado ito ng 50-0 rekord.
Nagawa ring talunin ni Mayweather ang mortal nitong karibal na si eight-division world champion Manny Pacquiao via unanimous decision sa kanilang unang paghaharap noong 2015.
Ngunit ayaw kumasa ni Mayweather sa rematch kay Pacquiao.
Wala pang kasiguraduhan kung matutuloy ang Pacquiao-Mayweather 2 sa susunod na taon sa kabila ng usap-usapang gumugulong na ang negosasyon para dito.
- Latest