^

PM Sports

Arnel Pineda, Casugay tampok sa closing rites

Russell Cadayona - Pang-masa

CAPAS, Tarlac, Philippines – Si Filipino hero surfer Ro-ger Casugay ang magi-ging flag bearer habang si international rockstar Arnel Pineda ang kakanta ng Philippine National Anthem sa closing cere-monies ng 30th Southeast Asian Games nga-yon dito sa New Clark City Athletics Stadium.

Sisimulan ang nasabing programa ng alas-6 ng gabi kung saan inaasahang muling paparada ang mga delegasyon ng Pilipinas, Thailand, Vietnam, Indonesia, Singapore, Malaysia, Cambodia, Brunei, Myanmar, Laos at Timor Leste.

Umagaw ng pansin ang 25-anyos na si Casugay matapos iligtas sa pagkalunod ang kanyang Indonesian rival sa men’s longboard open event ng surfing competition sa San Juan, La Union.

Sa huli ay napasakamay ni Casugay ang gold medal.

Kahapon ay nagtungo si Casugay sa Senado kung saan siya binati at pinapurihan ng mga Senador dahil sa kanyang kabayanihan.

Bilang pagpupugay sa ginawa ni Casugay ay ginawa siyang flag bearer sa closing ceremonies.

Sa programa ay magbibigay ng kanilang mga talumpati sina Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) chairman at House Speaker Alan Peter Ca-yetano at Philippine Olympic Committee (POC) president  Abraham Tolentino.

Magkakaroon ng handover ceremony kung saan ipapasa ng Pilipinas sa Vietnam ang hosting ng SEA Games sa 2021.

Matapos ito ay isang concert ang gagawin ng Black Eyed Peas sa pa-ngunguna ni Apl.De.Ap (Allan Pineda Lindo, Jr.) na tubong Angeles City, Pampanga.

 

 

vuukle comment

ARNEL PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with