^

PM Sports

Abot-kamay na ng Team Pinas

Pang-masa

MANILA, Philippines — Abot kamay ng Team Philippines ang tagum-pay matapos humataw sa paghakot ng medalya kahapon upang higit na lumayo at mamamayagpag sa pangkalahatang pamumuno patungo sa huling dalawang araw ng aksiyon sa kasalukuyang 30th Southeast Asian Games.

Pinangunahan ng mga skateboarders ang ratsada ng pinas sa pagkopo ng tatlonmg gintong medalya sa Skate Complex sa Tagaytay City.

Matapos magkasya sa dalawang silver medal finish, nanalo ng gold sa wakas si Christiana Means.

Nanalo rin ng gold si Jojit Francisco sa men’s park category at nagtala naman ng 1-2 finish sina  Jaime De Lange at Duke Raphael Pandeguia sa men’s downhill.

Namayagpag din ang Pinas sa surfing, rowing,  wakeboarding at soft tennis at muay thai.

Naka-gold sina Susan Larsson at Jhondi Wallace matapos manguna sa wakeskate finals ng wakeboard at waterski competition sa Sa  Deca Wake Park Clark.

Sa Rizal Memorial Tennis Center, nanalo ng gold si Bien Zoleta sa women’s singles bago nakipagtambal sa kanyang kapatid na si Bambi  para makopo ang gold sa sa doubles event.

Kumopo naman ng dalawang gold ang Pinas sa surfing competition sa San Juan La Union sa pangunguna ng tinaguriang surfer hero na si Roger Casogay na nanalo sa men’s longboard event na pinarisan ni Nilbie Blancada sa women’s shortboard open.

Sa Subic Bay and Exhibit Center, naka-gold din sina Phillip Delarmino at Ariel Lee Lampacan  sa 57-kg at 54kg divisions ayon sa pagkakasunod.

Nakopo rin ng Philippine Blu Girls ang gold sa women’s softball gayundin ang Philippine baseball team sa Subic.

Nanalo rin ng ginto sina taekwondo jin  Pauline Lopez sa  -57kg at Melcah Jen Caballero, ang kanyang ikalawang gold matapos mag-reyna sa women’s lightweight single sculls event at Nathalie Uy at Willie Morrison sa athletics.

As of 7 p.m. kagabi, ang Pinas ay mayroon nang 98-golds, 72 silvers at 84 bronzes na inaasahang pumalo na sa 100 bago matapos ang lahat ng laban kagabi.

Malayo ito sa pumapangalawang Indonesia na may 62-57-73 gold silver-bronze at third placer na Vietnam (53-54-68).

vuukle comment

TEAM PINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with