^

PM Sports

Isantabi muna natin ang pulitika

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Konting paghihintay na lang at mairaraos na ng bansa ang hosting ng 30th Southeast Asian Games na opisyal na magbubukas Nov. 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Proud moment ito sa bansa na maipakita sa ating mga kapitbahay sa rehiyon ang kakayahan natin maghatid ng malaki at prestihiyosong international event. Pagkakataon itong maipakita sa mga kapit-nasyon kung anong lahi at kung ano ta­yo bilang Filipino.

Kung naihatid ng Indonesia, Thailand, Malaysia, Singapore, Vietnam, Myanmar at Brunei ng ma­ta­gumpay ang past editions ng SEAG, bakit hindi na­tin ito kakayanin?

Sa pakikibaka ng ating mga atleta sa iba’t ibang larangan ng palaro at sa ningning ng bawat panalo ay mapag-iisa at mapapasaya ang ating bansa. Makikilala natin ang identity ng ating lahi.

Ang siste nga lamang ay mukhang hindi talaga maaalis sa atin ang pulitika at pamumulitika.

Dahil umiinit na atensyon sa 30th SEAG ay nandiyan na ang mga gustong gumawa ng papel at umagaw ng atensyon.

May tumatawag ng pansin sa kahit anong bagay-bagay na wawasak lang ng national unity at morale ng mga atleta ilang araw na lamang bago ang simula ng labanan.

Kung sinsero ang layunin, ‘di ba mas maganda na hayaan muna natin matapos ang ating hosting ng SEA Games at pagka-uwi ng ating mga bisita ay saka busisiin ang lahat ng bagay na dapat busisiin.

***

Bago magbukas ay SEAG ay tatapusin ng PBA ang labanan upang madetermina ang Final Four sa 2019 Governors Cup.

Mabigat ang pagdadanan ng San Miguel Beer upang makumpleto ang mithiing grand slam dahil kailangan nilang manalo ng dalawang sunod kontra Ba­rangay Ginebra upang makapasok sa semifinals. Ang tatlo pang quarters match-ups ay NLEX-NorthPort, Meralco-Alaska at TNT KaTropa-Magnolia.

vuukle comment

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with