Dalawang Cebu teams pasok sa finals ng SBP twin tourneys

MANILA, Philippines — Magtutuos ang dalawang Cebu teams at koponan mula sa Roxas at Bacolod para sa korona ng SBP at Passerelle di­visions sa Visayas Re­gio­nal Finals ng 34th SBP Passerelle Twin Tour­nament na suportado ng Milo sa Pototan Astrodome sa Pototan, Iloilo City.

Sa SBP division, ti­nalo ng nagdedepensang University of the Vi­sayas ng Cebu ang Co­legio de la Purisima Con­cepcion ng Roxas, 42-32, at isinunod ang Hua Siong College ng Ilo­ilo, 53-22.

Nakamit naman ng St. John’s Institute ng Ba­colod ang isa pang fi­nals berth matapos bi­guin ang Purisima, 57-56, at talunin ang Hua Siong College ng Iloilo, 50-47.

Sa Passerelle division, itinakas ng Sacred Heart School-Ateneo de Cebu agh 59-55 panalo kontra sa St. Robert’s In­­ternational Academy ng Iloilo at sinibak ang University of St. La Salle ng Bacolod, 66-53.

Kinuha ng HERCOR Col­lege ang finals seat ma­­­tapos talunin ang St. Ro­­­bert’s International Aca­­demy, 68-57, at ang Uni­­versity of St. La Salle ng Bacolod, 62-46.

Show comments