Donaire aabangan ang pagkakamali ni Inoue

MANILA, Philippines — Magiging mai­ngat si four-division world champion Nonito ‘The Fi­lipino Flash’ Donaire, Jr. sa oras na makaharap niya si Ja­panese Na­oya Inoue sa finals ng World Boxing Super Series sa Nobyembre 7 sa Sai­ta­ma Super Arena sa Sai­tama, Ja­­pan.

Alam ni Donaire na mapapalaban siya nang husto sa Japanese pug na armado ng 18-0 rekord tampok ang 16 knockouts.

Kaya naman walang pu­wang ang anumang pag­kakamali para kay Do­naire lalo pa’t prepa­radung-preparado rin si Inoue.

“The one who commits the first mistake in the ring, he will lose. I can tell you that this fight could be long like a game of chess,” ani Do­naire sa panayam ng Boxingscene.com.

Natungo si Donaire sa Japan bitbit ang de­ter­minasyong makuha ang panalo sa kabila ng hometown advantage ng Japanese boxer.

Mas bata rin ng 10 ta­on si Inoue na itinutu­ring ng ibang boxing fans bilang bentahe nito kay Donaire.

Subalit ang malalim na karanasan ni Donaire ang magsisilbing pangunahing sandata niya.

Mayroon siyang 45-5 rekord tampok ang 40 impresibong KO wins.

“I’m very motivated and incredibly excited to jump into a fight with Na­oya.  It gives me joy and satisfaction because I can fight in Japan,” ani Donaire.

Alam ni Donaire na isa si Inoue sa pinaka­ma­tinding makakalaban niya.

At walang magagawa si Donaire kung hin­di ila­­bas ang lahat ng alas ni­ya para masikwat ang pa­nalo.

“Inoue will force me to bring out all of my qua­lities as a boxer. I know that Naoya Inoue is the favorite due to his youth. But, I have a lot of determination to reverse the odds, and for that, I will fully dedicate myself to the maximum le­vel with my physical preparations,” sabi pa ni Do­naire.

Show comments