^

PM Sports

Pasig nakaligtas sa Bicol

Pang-masa

Balanga , Philippines — Nalampasan ng Pasig Sta. Lucia Realtors ang pagresbak ng Bicol Volcanoes sa fourth quarter para angkinin ang 75-73 panalo sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season dito sa Bataan People’s Center kamakalawa ng gabi.

Matapos kunin ng Real-tors ang 71-54 abante sa huling limang minuto ng fourth period ay naghabol naman ang Volcanoes sa pamamagitan ng 16--0 atake kasama ang apat na sunod na three-point shots ni Ronjay Buenafe.

Ang jumper ni Robbie Manalang ang naglayong muli sa Realtors bago naitabla ng triple ni Hafer Mondragon ang Volcanoes sa 73-73.

Nagsalpak naman si Leo Najorda krusyal na jump shot sa natitirang 25 segundo na naging marginal basket ng Realtors, habang nagmintis sina Buenafe at Jonathan Aldave sa kanilang mga potensyal na game-winning triples.

Nakahugot ang Realtors ng 20 points, 7 rebounds at 6 assists kay Jeric Teng para pagandahin ang kanilang marka sa 11-5 at hawakan ang fourth spot sa hanay ng 16 teams sa North division.

Nalasap naman ng Volcanoes ang kanilang ika-anim na sunod na kamalasan para mahulog sa 8-11.

Samantala, tinalo ng Bataan Risers ang Rizal Golden Coolers, 78-57, para palakasin ang kanilang tsansa sa playoffs sa North division.

vuukle comment

BICOL

PASIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with