^

PM Sports

SBU Red Lions 12-0 na

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling nilapa ng three-peat champion San Beda Red Lions ang Jose Rizal Heavy Bombers, 65-47 kahapon upang makopo ang ika-12th panalo at lumapit sa Final Four ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Umani ang Fil-Canadian na si James Kwekuteye ng 18 puntos sa 7-of-12 shooting sa field goal na may kasama pang pitong rebounds at dalawang assists para mapanatili ang malinis na kartada sa 12-0 win-loss slate at makalapit ng dalawang laro para muling pagpasok sa semifinal round.

Bukod kay Kweku-teye, tumulong din ng 12 puntos, pitong rebounds at tatlong assists ang leading MVP contender na si Calvin Oftana habang 11 puntos naman mula kay Evan Nelle upang sundan ang kanilang 74-52 panalo sa JRU sa first round ng elims noong Hulyo 12.

Sa kanilang mahigpit na depensa napuwersa ang Heavy Bombers sa pagkamit ng kabuuang 26 turnovers na ginamit naman ng Mendiola-based team sa pag-iskor ng 26 puntos.

Hindi naman nagpahuli ang Arellano Chiefs matapos gumanti sa Perpetual Help Altas, 91-86, para makopo ang ikatlong panalo sa 12 laro (3-9) at ibaba ang Las Piñas-based UPHSD sa 3-8 card.

Tumipak si Clint Salado ng 18 puntos, 12 assists, tatlong rebounds at apat na steals upang bumawi sa kanilang 73-75 talo sa Altas sa first round ng elimination noong Hulyo 30.

Sa juniors’ division, nagtagumpay ang SBU Red Cubs kontra sa JRU Light Bombers, 88-68, upang umangat sa 11-1 wagi rin ang Arellano Braves laban sa Perpetual Help Junior Altas, 86-62.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with