AIBA World Boxing Championships Marcial sa quarterfinals
Chris Co (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi maawat si two-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial nang magtala ito ng unanimous decision win upang umentra sa quarterfinals ng 2019 AIBA World Boxing Championships na ginaganap sa Yekaterinburg, Russia.

Naitarak ni Marcial ang 5-0 panalo laban kay Omurbek Bekzhigit ng Kyrgyzstan sa men’s middleweight (75 kgs.) kung saan tatlong judges ang nagbigay ng 30-26 iskor habang 30-27 naman ang dalawang huradong pumabor sa Pinoy pug.

Nauna nang itinala ni Marcial ang impresibong first-round knockout win kay second seed Tarik Allali ng Morroco sa Round-of-32.

Puntirya ni Marcial na makapasok sa medal round sa pagsalang nito laban kay Mousavi Seyedshahin ng Iran na umiskor din ng kumbinsidong 5-0 unanimous decision win (29-28, 29-28, 29-28, 29-28, 29-28) laban kay Tang-huatihan Tuchetaerbeke ng China sa hiwalay na laban.

Magtatangka ring pumasok sa quarterfinals si Cagayan de Oro City pride Carlo Paalam na nakatakdang humarap kay Jo Seh Yeong ng South Korea sa third round ng men’s flyweight class (52 kgs.) kagabi.

Sina Marcial at Paalam na lamang ang nalalabing pag-asa ng Pilipinas matapos masibak sina Ian Clark Bautista, James Palicte at Kuala Lumpur SEA Games gold medallist John Marvin sa kani-kaniyang dibisyon.

BOXING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with