UST lusot sa NU
PJ Carpio (Pang-masa) - September 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dinapuan ng suwerte ang UST Growling Tigers  sa huling maiinit na segundo ng labanan upang takasan ang NU Bulldgos 87-74 sa overtime sa pagpapatuloy ng UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena kahapon.

Nagpakawala agad si Sherwin Concepcion ng tres sa kaagahan ng extra period na sinundan naman ito ng back-to-back tres ni Rhenz Abando may 2:39  minuto ang nalalabi sa laro para tulungan ang Growling Tigers na masungkit ang ikatlong panalo sa apat na laro para kumapit sa ikalawang puwesto.

Isang go-ahead basket ang ginawa ni Soulemane Chabi Yo sa huling 2.1segundo sa fourth quarter upang ipuwersa ang laro sa overtime, 70-70.

“Sinuwerte lang kami dun sa dulo. We did not play our game dun sa first three and a half quarters. Buti nag pick up kami dun sa last five minutes of fourth quarter. And even dun sa dulo ng fourth quarter buti composed pa rin mga bata, especially ‘yung last six seconds na ‘yun na while our opponents were celebrating, well, we were able to convert and force the game into overtime,” pahayag ni UST coach Albin Ayo.

Nagtala si Rhenz Abando ng 21 puntos, 16 sa second half at anim na rebounds na may 5-10 sa tres katulong si Soulemane Chabi Yo na humakot ng double-double 23 markers at 20 rebounds para manatili ang Growling Tigers sa second spot.

“Well, he (Abando)just has to play his game. Hayaan niya lang duma-ting sa kanya yung laro. Huwag niya hanapin yung laro niya. Antayin niya lang, dumating sa kanya ‘yung laro niya because alam namin kung gaano siya ka-talented and skilled. ‘,” ani Ayo na dismayado rin sa kanilang 14-turnovers.

Nasayang naman ang 16 puntos at anim na rebounds ni Dave Ildefonso matapos itong ma-fouled sa overtime kasama nina JL Clemente at Issa Gaye na may tig-12 at anim na puntos ayon sa pagkakasunod para sa NU na lalong nabaon sa ilalim ng standings (0-3).

Natakasan rin ng UP Fighting Maroons ang Adamson Falcons 83-82 tungo sa kanilang ikalawang panalo.

 

UST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with