^

PM Sports

AFP dinomina ang PITC

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dinomina ng defending champion Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Philippine International Trading Corporation tungo sa 90-70 panalo sa pagbubukas ng 8th UNTV Cup kamakalawa sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa pangunguna ni dating national team member Eugene Tan, malakas ang simula ng  defending champion  AFP Cavaliers para kunin ang 33-8 lead sa pagtatapos ng first quarter at ‘di na lumingon pa.

Umiskor si Jerry Lumongsod ng 16 points para sa Cavaliers, nag-donate ng kanilang P4 million top prize noong nakaraang taon sa AFP Educational Benefits System Office bilang dagdag sa pondo para sa edukasyon ng mga anak ng mga namatay na sundalo sa pakikipaglaban.

Nanguna para sa AFP sina Willy Casulla at Dave Cordero na may 15 at 12 points ayon sa pagkakasunod sa opening game ng Sunday-only tournament na inor-ganisa ng UNTV sa ilalim ni CEO at President Dr. Daniel Razon.

Natuwa sina Razon at Bro. Eli Soriano sa paglahok ng kabuuang 12 government agencies para makatulong sa mga nangangailangan.

vuukle comment

PITC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with