Ian Clark Bautista
Bautista pasok sa quarterfinals via KO
Chris Co (Pang-masa) - July 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Engrande ang pag-entra ni Ian Clark Bautista sa quarterfinals matapos magrehistro ng third-round knockout win sa men’s bantamweight (56 kg.) division ng 2019 Thailand Open International Boxing Championship na ginaganap sa Bangkok, Thailand.

Nagpakawala si Bautista ng malulupit na kumbinasyon upang mapatumba si Jack Denahy ng Australia sa kalagitnaan ng third round kung saan nagdesis-yon ang Thai referee na itigil ang laban.

Bago pa man magsimula ang third round, liyamado na si Bautista sa score cards kung saan pabor sa kanya ang apat na hurado mula sa Iran, Romania, Kazakhstan at India na pare-parehong may 20-18 na binigay na iskor sa kanya.

Nakita naman ng Kuwaiti judge ang laban sa iskor na 19-19.

Target ni Bautista na makahirit ng puwesto sa semis sa pagharap nito kay Kharkhuu Enkh-Amar ng Mongolia na nagsumite rin ng impresibong third-round knockout win laban naman kay Liam Pope ng Singapore.

Hindi naman pinalad si Marjon Pianar na umani ng 0-5 (23-30, 25-20, 26-30, 27-30, 27-30) unanimous decision loss kay Wuttichai Masuk ng host Thailand sa men’s welterweight (69 kg.).

Makakasama ni Bautista sa quarterfinals sina 2014 World Championships silver medallist Nesthy Petecio (wo-men’s featherweight, 57 kg.) at Southeast Asian Games gold champion John Marvin (men’s flyweight, 52 kg.).

Makakalaban ni Petecio si Won Un Gyong ng North Korea habang haharapin naman ni Marvin si Zhang Jilei ng China sa torneong may nakalaang $1,500 para sa magkakampeon.

IAN CLARK BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with