Aranas naghari sa Expo Diamon Open 10-Ball

MANILA, Philippines — Winalis ni Zoren James Aranas ang lahat ng kanyang asignatura para matamis na angki­nin ang titulo ng 27th An­nual Super Billiards Expo Diamon Open 10-Ball Championships sa Greater Philadelphia Ex­po Center sa Oaks, Pen­nsylvania.

Hindi hinayaan ni Ara­nas na makabalik sa por­ma si Oscar Dominguez ng US upang isel­yo ang 13-10 panalo sa championship round at makopo ang $10,000.

Nakapasok sa 16-man knockout stage si Aranas nang isa-isa niyang patumbahin sina Matt Krah sa first round (10-1), Hunter Lombar­do sa second round (10-5) at James Sossei sa third round (10-2).

Nagpatuloy ang ma­tikas na ratsada ni Aranas sa main draw nang pa­yukuin sina Chris Ro­binson sa Round-of-16 (13-11), dating world champion Mika Immo­nen sa quarterfinals (13-5) at kababayang si Ray­mund Faraon sa se­mi­finals (13-11) bago ma­kaharap si Dominguez sa finals.

Ito ang ikalawang su­­­nod na titulo ni Aranas sa taong ito matapos pagharian ang 2nd An­nual Barry Behrman Memorial Tournament sa Virginia Beach noong unang linggo ng Abril.

Pumangalawa rin si Aranas sa 2019 Derby City Classic 9-Ball Di­vi­sion at ikatlo sa World Pool Se­ries Predator Grand Finale at sa 2019 Ma­ryland State 9-Ball Championship.

 

Show comments