^

PM Sports

Toronto lusot sa portland

Pang-masa
Toronto lusot sa portland
Si Kawhi Leonard ng Toronto laban kay Al-Farouq Aminu ng Portland.

TORONTO — Isinalpak ni Kawhi Leonard ang go-ahead basket sa nalalabing tatlong segundo para tulungan ang Raptors na makatakas laban sa Portland Trail Blazers, 119-117.

Tumapos si Leonard na may 38 points at nag-lista si guard Kyle Lowry ng 19 points at 10 assists para sa pang-siyam na panalo ng Toronto sa huli nilang 10 laro.

Umiskor si Marc Gasol ng 19 points kasunod ang 16 markers ni Pascal Siakam para sa ikaapat na sunod na home meetings nila ng Toronto Portland at pito sa siyam na pagkakataon.

Nagpasabog si C.J. McCollum ng 35 points at dinuplika ang kanyang career best na pitong 3-pointers para sa Trail Blazers,  natapos ang five-game winning streak.

Umiskor si Damian Lillard ng 24 points at may 13 markers si Jake Layman para sa Portland.

Sa Los Angeles, nag-lista si Eric Bledsoe ng 31 points habang nagdagdag si Malcolm Brogdon ng 21 markers para akayin ang Milwaukee Bucks sa 131-120 paggiba sa Lakers.

Ito ang pang-walong sunod na ratsada ng Milwaukee at ika-10 dikit sa kanilang road games.

Nalimitahan si Giannis Antetokounmpo sa 16 points mula sa kanyang 27-point average para sa Milwaukee.

Nagtala naman sina Brandon Ingram at LeBron James ng tig-31 points para sa Los Angeles habang may 20 markers si Rajon Rondo.

Sa Phoenix, iniskor ni Julius Randle ang 16 sa kanyang 22 points sa third quarter para banderahan ang New Orleans Pelicans sa 130-116 paggupo sa Suns.

Tumipa si Jrue Holiday ng 21 points habang nag-ambag ng 20 markers si E’Twaun Moore at tumapos si Anthony Davis ng 17 points at 8 rebounds sa loob ng 21 minuto.

Sa Sacramento, hinugot ni Landry Shamet ang walo sa kanyang 20 points sa fourth period at kumonekta si Lou Williams ng dalawang free throws sa huling 7.9 segundo para tulungan ang Los Angeles Clippers na talunin ang Kings, 116-109.

vuukle comment

TORONTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with