2nd round ng UAAP football sisipa ngayon

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Na­tional University ang solo lead sa kanilang pag­harap sa De La Salle-Zobel sa pagbubukas ng second round ng UAAP Season 81 juniors football tournament ngayon sa FEU-Diliman pitch.

Magtatagpo ang Bull­pups at Junior Archers sa ganap na alas-3 ng hapon.

Sa alas-1 ay magki­kita naman ang Ateneo Blue Eaglets at University of Santo Tomas Tiger Cubs sa pagpapatuloy ng aksyon matapos ang Christmas break.

Nakaupo ang NU sa second spot mula sa ka­nilang 8.0 points sa li­kod ng dalawang panalo at dalawang draws.

Ang FEU-Diliman ang na­nguna sa first round sa itinalang 10 points buhat sa tatlong pa­­nalo at isang draw.

Hangad ng De La Salle-Zobel, ang 2018 runner-up, na makuha ang full points  makaraang mabokya sa first round.

Show comments