^

PM Sports

Lucky Julliane wagi sa NPC-Philracom Benefit Cup

Vince Nuguid - Pang-masa
Lucky Julliane wagi sa NPC-Philracom Benefit Cup
Ang matinding bakbakan ng mga kalahok sa NPC-Philracom Benefit Cup.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Nanalo bilang isang dehadong kalahok ang kabayong Lucky Julliane na sinakyan ni jockey OP Cortez noong Biyernes sa pista ng San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite.

Sa nasabing karera ay bumandera ang Outstanding Favorite na Headmastership pero kaagad itong hinabol ng kabayong California Garden hanggang sa sumapit sa huling kurbada.

Dito ay tuluyan nang kinuha ng Lucky Julliane ang unahan at nanalo nang may limang katawan na agwat sa nasegundong Top Secret na nirendahan naman ni jockey JA Pastoral.

Naiuwi ng nasabing tambalan ang tropeo at humigit-kumulang sa P200,000 bilang premyo sa pagkapanalo sa pakarera ng National Press Club at Philracom.

Nagbigay ang Forecast ng P138.50 para sa nanalong kumbinasyon na 6-1, habang ang Trifecta naman ay nagbigay ng P173.40 kada ticket para sa mga nakakuha ng kumbinasyon na 6-1-4.

May Daily Double din sa nasabing karera na nagbigay ng tamang P49.50 kabit sa nanalong Rio De Janiero sa Race 2, habang sa Daily Double Plus One naman kasama ang nanalong Overjoyed sa Race 1 ay nagbigay ng tamang P72.00 sa isang ticket.

Galing sa Carry-Over ang tayaan na Pick-5 na nagsimula sa karera ng Lucky Julliane at nagbigay ng P1,387 sa kada isang ticket na may kumbinasyong 6-9-5-4-5.

Mas malaki naman ang naging dibidendo dahil P6,881.40 ang mga tinamaan ng nakakuha ng mga nanalong kabayo simula Race 1 hanggang Race 7 na pinakahuling karera.

vuukle comment

NPC-PHILRACOM BENEFIT CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with