^

PM Sports

Unang silver medal mula kay Watanabe

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa
Unang silver medal mula kay Watanabe
Ipinakita ni Fil-Jap judoka Kiyomi Watanabe ang kanyang silver medal.
Joey Mendoza

JAKARTA — Sa ika­la­­wang Asian Games stint ni Kiyomi Watana­be ay naihatid niya ang ka­una-unahang medalya ng Pilipinas sa judo dag­dag sa nauna nang 4 golds at 13 bronze me­dals para sa 17th place as of 6 p.m. ka­gabi.

Sinubukan ng 22-gulang na si Watanabe, ang ‘three-peat’ SEA Games gold medalist, na ibigay ang ikalimang gold ng Pi­nas ngunit naiskoran si­­ya ng ippon ni Nami Na­bekura ng Japan sa unang round ng kanilang three-round match at hin­di na nakahabol pa pa­ra makuntento sa silver me­dal sa pagbubukas ng ju­do competition.

“Inilagay ko sa isip ko na mananalo ako ng me­dal,” wika ni Watanabe, sports science student sa Waseda University sa Tok­yo, sa wikang Nihonggo. “Malalakas ang Mongolia at Korea, ibinigay ko lahat sa last game ko pero kinabahan ako,”

Pumasok sa finals si Watanabe, nag-bye sa first round, matapos ta­lu­nin si Gankhaich Bold ng Mongolia sa pamamagitan ng waza-ari.

Nauna nang tinalo ni Watanabe si Orapin Se­natham ng Thailand.

Ang kanyang kasamahang si Mariya Takahashi ay umabot sa quarterfinals ng women’s 70kgs. ba­go sinibak ni Korean Kim Seongyeon via ippon matapos patalsikin ang Thai na si Suratta­na Thonsri via ippon.

Ang isa pang Fil-Ja­panese judoka na si Nei­se Nakano na lumusot sa men’s 73kg round-of-32 matapos talunin si Eval Salman Younis ng Jordan ay sinibak ni Barimanlou Mohammadi ng Iran via ippon sa round-of-16.

Samantala, sisikapin naman ni­na Kim Mang­robang at Kimberly Kil­groe na madagdagan ang ambag ng mga Pinoy na lumalaban sa Palembang sa pagsisimula ng triathlon competition ngayon.

Mula sa 16th place ay nasa 17th spot ngayon ang Pinas, binigyan ng gold nina weightlifter Hi­di­lyn Diaz, skateboarder Margielyn Didal, golfer Yuka Saso na nanguna rin sa women’s team ka­sa­ma sina Bianca Pag­da­nga­nan at Lois Kaye Go.

Ang mga bronze me­dalists ay ang men at wo­­­men’s poomsae team, tae­kwondo jin Pauline Louise Lopez, wushu ar­tists Agatha Wong at Di­vine Wally, jiu-jitsu Meggie Ochoa, BMX rider Da­niel Caluag, isa kay Pag­danganan at apat sa pen­cak silat.

KIYOMI WATANA­BE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with