^

PM Sports

‘Gilastopainters’ at Pinay spikers sa kanilang mga classification matches

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa

JAKARTA — Matapos bigyan ng karakter ang “Gilastopainters” dahil sa kanyang presensiya, nais bigyan ng Philippine national basketball team ng magandang pabaon si Jordan Clarkson bago ito bumalik sa Cleveland.

“We want to give Jor­dan a going away pre­sent,” pahayag ni coach Yeng Guiao na naitalaga nang coach ng Gilas para sa World Cup qualifiers. “We still want to finish strong. We still want to feel good about this after having sor­ry losses.”

Sasagupain ng Phl ca­gers ang Syria nga­yong alas-6:30 ng gabi (7:30 p.m. Manila time) sa GBK Basketball Hall sa labanan para sa fifth place matapos muling sibakin ng Korea sa medal contention.

Sa GBK Volleyball In­­door Court ay sasagu­pa­­in naman ng Philippine women’s volleyball team ni Alyssa Valdez ang Kazakhstan sa classification round ng 5th-8th place sa alas-2:30 ng hapon (3:30 p.m. Manila time).

Matapos simulan ang kampanya sa pamamagitan ng 96-59 panalo kontra sa Kazakhstan kung saan wala pa si Clarkson, da­lawang masaklap na ka­biguan ang nalasap ng Gi­las Pilipinas sa likod ng impresibong performance ng Fil-Am NBA pla­yer na si­nuportahan ni Christian Standhardinger.

Naging tinik sa lala­mu­­nan ng China si Clarkson na tumapos ng 28 puntos bago isuko ang 80-82 pagkatalo at tu­ma­pos ito ng 25 puntos sa 82-91 pagkatalo sa Korea bago pagbuntunan ng sama ng loob ang Japan, 113-80.

Samantala, kailangan namang ta­lunin ng Pinay Spikers ang Ka­zakhstan para ha­ra­pin ang ma­na­na­lo sa pa­­gitan ng Thailand at South Korea bukas pa­ra sa fifth place.

JORDAN CLARKSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with