San Juan at Valenzuela ipinakita ang kahandaan sa MPBL

MANILA, Philippines — Tinalo ng expansion team na San Juan at ng semifinalist na Valen­zue­la ang kanilang mga karibal para ipakita ang kahandaan sa darating na Maharlika Pilipinas Bas­ketball League.

Pinamunuan nina PBA veterans Mac Cardona at John Wilson, ini­lampaso ng Knights ang Marikina Shoemasters, 92-65, para magpa­ramdam sa 25 pang mi­yembro ng liga.

Ipinakita ng Knights, nagkampeon sa Metropolitan Basketball Association noong 2000, ang kanilang potensyal.

Tinuruan nila ng lek­syon si celebrity baller Gerald Anderson, nag­lalaro para sa Marikina, kung ano ang kanyang mararanasan sa regional basketball league na pi­namununuan nina Sen. Manny Pacquiao at Com­missioner Kenneth Du­remdes.

Hindi nakaiskor si Anderson bunga ng ma­higpit na depensa ng mga San Juan guards.

Samantala, umiskor naman ang Classic ng 96-88 panalo laban sa Pasig Pirates sa isa pang tune-up match.

Bumangon ang Va­len­zuela team ni da­ting PBA coach Chris Ga­vina mula sa 16-point deficit sa first period sa likod ni playmaker Paolo Hubalde para balikan ang Pasig squad.

May dalawa pang tune-up games ang Clas­­sic sa mga susunod na araw.

Show comments