^

PM Sports

Kondisyon si Blatche

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas maganda ang pangangatawan at nasa tamang kondisyon.

Ito ang paglalarawan ni national head coach Chot Reyes kay naturalized player Andray Blatche na dumating sa bansa kahapon ng umaga mula sa China.

Huling naglaro si Blatche para sa Nationals noong Mayo sa kanilang kampanya sa 2017 Southeast Asian Basketball Association championship sa China.

Matapos ang ilang oras na pamamahinga ay kaagad sumama ang 31-anyos na si Blatche sa ensayo ng Gilas Pilipinas.

Noong Nobyembre 12 pa inaasahan ni Reyes ang pagdating ni Blatche sa bansa para sumama sa pagsasanay ng Nationals na lalahok sa FIBA Basketball World Cup 2019 Asian Qualifiers.

Ngunit pinakiusapan si Blatche ng kanyang mother ballclub na Xinjiang Flying Tigers na maglaro sa kanilang unang dalawang asignatura sa Chinese Basketball Association.

Ang 6-foot-11 na si Blatche, may kasamang dalawang kaibigan ay sinalubong ni Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio sa airport kung saan sila naglabas ng isang selfie photo sa kanyang Instagram account.

“Welcome home Andray,” nakasulat sa caption ng nasabing Instagram photo ni Antonio na may hashtags na #labanpilipinas #puso.

Hindi sumama ang 6-foot-11 na NBA ve-teran sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Le-banon dahil sa usapin sa seguridad kaya hinugot ni Reyes si Fil-German Christian Standhardinger.

Kasama si Blatche, magtutungo ang Natio-nals sa Tokyo bukas para sagupain ang Japanese team sa Nobyembre 24 sa Komazawa Gymnasium.

Mula sa Japan ay uuwi ang Gilas Pilipinas para harapin ang Chinese-Taipei sa Nobyembre 27 sa Smart Araneta Colisuem.

Nasa Group B ang Pilipinas sa ‘home-and-away’ series ng Asian World Cup qualifiers kasama ang Japan, Chinese-Taipei at Australia, habang nasa Group D naman ang Iran, Kazakhstan, Qatar at Iraq.

Ang Top Three teams sa naturang dalawang grupo ang maglalaban sa susunod na yugto ng torneo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with