^

PM Sports

Lady tams, Lady Maroons agawan sa playoff seat

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Kapwa nakataya ang tsansa ng Far Eastern University at University of the Philippines para sa pag-abante sa Final Four ng women's division ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa kanilang muling pagtutuos ngayong hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Sa parehong kartada na 7-6 ay puntirya ng dalawang koponan na umakyat sa ikaapat na puwesto pa-ra buhayin ang kanilang kampanya na makaabot sa semifinal round.

Magsisimula ang laro sa sa ganap na alas-4 ng ha-pon kasunod ng tagisan ng Adamson University at University of the East sa alas-2.

Nakasalalay rin sa magiging resulta ng laro ng UST at NU sa darating na Sabado ang magiging kapalaran ng magwawagi.

Kinakailangang talunin ng Tigresses ang Lady Bulldogs nang hindi lalampas sa apat na sets.

Kung hindi mangyayari ito ay dadaan pa ang España-based spikers sa isang playoff match kontra sa mananalo sa pagitan ng Lady Maroons at Lady Ta-maraws.

Inaasahang kukuha ng inspirasyon ang magkabilang koponan mula sa kanilang mga beterana na nasa huling taon na ng kanilang karera sa kolehiyo.

Pamumunuan ni team captain at senior middle blocker Remy Palma ang Lady Tamaraws na susuportahan ng kanyang mga ace spikers na sina Bernadeth Pons at Chin-Chin Basas kasama ang kanilang setter na si Angel Cayuna.

“Kailangan trabahuhin namin, kailangan ibuhos na lahat ng mayroon kami. Parang every game i-treat namin na last game na ng buhay namin,” pahayag ni Palma sa kanyang mga kakampi.

Tinalo ng FEU ang UP, 25-17, 24-26, 25-23, 25-19, sa kanilang unang pagtatagpo kung saan nila inilista ang pangatlong sunod na panalo.

Inaasahan namang mangunguna para sa Lady Maroons ang kanilang mga senior players na sina Kathy Bersola at Nicole Tiamzon kasama ang kanilang ka-pitan at setter na si Ayel Estrañero.

Tutulungan sila ng mahuhusay na sophomore spi-kers na sina Diana Carlos at Isa Molde para buhatin ang kanilang koponan patungo sa Final Four sa pa-ngalawang sunod na season.

Sa isa pang laro ay susubukan namang tapusin ng UE at Adamson sa pamamagitan ng isang panalo ang kanilang kampanya ngayong taon matapos muling mabigong pagandahin ang takbo ng kanilang mga koponan.

Sa men's division, bagama’t wala na sa kanilang mga kamay ang tsansang tumuloy sa semifinal round ay lalaban pa rin ang UP Maroons (5-8) kontra sa tanggal nang Adamson Falcons (3-9) sa alas-10 ng umaga.

Sa unang laro sa alas-8 ay magtatagpo naman ang UE Red Warriors (1-12) at ang La Salle Green Archers. FMLumba

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with