Katatagan sa playoff ang susi
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - April 4, 2017 - 12:00am

Realistiko si Alaska Milk coach Alex Compton na malayo pa ang kanilang lalakbayin at wala pa silang napapatunayan sa kanilang 4-0 start sa PBA Commissioner’s Cup.

Sanay na nga naman sila sa mainit na simula sa halos lahat ng conference. Ang problema ay kung paano lulusot sa playoff. Apat na finals sa five-conference stretch mula sa 2015 Philippine Cup ang narating ng Aces sa ilalim ng pamumuno ni coach Alex. Ang siste, natapos na luhaan sa lahat ng tournament na ito ang koponan.

Ang pagkasayang ng kanilang twice-to-beat advantage kontra sa Barangay Ginebra sa kanilang 2017 Philippine Cup quarterfinals matchup ang latest na dagok na sinapit ng Alaska.

Makalagpas sa mga malaking pagsubok ang ha-ngarin ng Aces.

Ang tingin ni Compton, ‘di pa sila handa sa kanilang kasalukuyang nilalaro para talunin ang mga PBA heavyweights. ‘Di na niya kailangang sabihin na isa ang San Miguel Beer sa mga koponang ito.

“Record-wise, we can’t ask for more. How can you complain with a 4-0 record. Pero pagdating sa laro, kulang pa,” ani Compton. “Madami ka-ming bago like Simon (Enciso), Yutien (Andrada), (Jake) Pascual. Bryan Cruz is a rookie. Cory Jefferson is also new with us. We still have to work on many things.”

Ayaw niyang banggitin  na marami silang injured players  na sina Vic Manuel, Chris Banchero, Noy Baclao at Dondon Hontiveros kasi ayaw niyang gawing excuse ito.

“Greg (Slaughter) has long been out, but Ginebra won a championship and made the last Philippine Cup finals,” ani Compton.

Idiniin ni Compton na ang paglalaro ng matibay at matatag sa playoffs ang mithiin ng Alaska. Makakatulong ng malaki kung masusustina ni Sonny Thoss ang klase ng laro na ipinapakita niya sa kasalukuyang tournament.

Double-digit outputs o average na 12.25 points ang kanyang ibinuhos sa kanilang unang apat na laro. Sa kanyang unang 12 seasons sa liga, isang beses lang siyang tumikada ng mas magandang ave-rage – 12.49 points noong 2011-12 campaign.

PLAYOFF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with