^

PM Sports

Cignal, CafeFrance parehong ayaw paawat

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipagpatuloy ang kani-kanilang winning streaks ang hangad ng  Cignal at CafeFrance sa pagharap sa magkahiwalay na kalaban sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup ngayong hapon sa Ynares Arena.

Makakalaban ng Cignal ang 2016 Foundation Cup runner-up Tanduay sa dakong alas-singko, pagkatapos ng tapatang CafeFrance at Victoria Sports-MLQU sa ganap na alas-tres ng hapon.

Parehong may kartadang 4-1, may tsansang bahag-yang makaungos ang Cignal at CafeFrance sa kasalukuyang nasa pangalawang puwesto na AMA Online Education kung mapagtagumpayan ang kanilang mga laban ngayon.

Tangan ang kanilang four-game winning run, inaasahang haharap muli sa malaking hamon ang Hawkeyes laban sa 3-2 na Rhum Masters, na nais makabawi sa kanilang 84-80 na kabiguan sa kamay ng nangungunang Racal Ceramica sa kanilang huling laro.

Aasahan pa rin ng Hawkeyes ang serbis-yo nina Fil-Am guard Robert Bolick, shooter Byron Villarias at dating La Salle center Jason Perkins para ipagpatuloy ang kanilang pagpapanalo.

Pangungunahan naman ang Rhum Masters ng mga dating pro na sina Mark Cruz, Raffy Reyes, at Paul Sanga kasama ang forward mula Letran na si Bong Quinto sa kanilang pagsubok na tuldukan ang winning streak ng Cignal.

Sa panig ng Bakers na nais ring dumiretso sa kanilang pang-apat na sunod na panalo, nakaharang sa kanilang daraanan ang Victoria Sports na galing sa kanilang unang panalo matapos ang 76-66 tagumpay sa JRU.

Sasandalan ng CafeFrance si UP swingman Paul Desiderio at Congolese center Rodrigue Ebon-do para pamunuan ang kanilang opensiba habang kakapit naman ang Victoria kina Aris Dionisio at Robbie Herndon. FML

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with