^

PM Sports

San Miguel Beer sa finals

Francisco Cagape - Pang-masa
San Miguel Beer sa finals
Lusot si Moala Tautuaa ng TNT Katropa laban kina Marcio Lassiter at June Mar Fajardo ng San Miguel.
PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Inangkin ng San Miguel Beer ang unang finals slot matapos pasad-sarin ang TNT Katropa, 96-83 sa deciding Game 7 ng kanilang bext-of-seven finals series sa PBA Philippine Cup na nagpatuloy sa  Mall of Asia Arena kagabi.

Tinapos ng Beermen ang nasagad na semis series sa 4-3 upang makausad sa isa na namang best-of-seven series.

Limang Beermen ang nagtala ng double figures sa pangunguna nina reigning MVP June Mar Fajardo na may double-double na 22 puntos at 16 rebounds at Arwind Santos na may sa-riling double-double na 22 markers at 13 boards.

“I know from the start na magiging tough ang series na ito dahil equally talented ang parehong team. Our starters really performed well. I sticked with our starters dahil posibleng huling game na namin ito kaya ibinigay na nila ang lahat,” wika ni SMB mentor Leo Austria.

Samantala, ito na ang huling tsansa ng Barangay Ginebra at Star Hotshots sa kanilang pagtatagpo sa do-or-die Game 7 ng semifinal series na binansagang ‘Manila Clasico’ sa 42nd PBA Philippine Cup ngayong alas- 7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Humantong sa Game 7 ang serye ng sister teams matapos magwagi ang Gin Kings, 91-67 sa Game 6 noong Linggo kaya inaasahan ang mainit na laban sa agawan para sa huling Finals berth.

Inangkin ng Gin Kings ang Game 3 (73-62), Game 4 (93-86) at Game 6 (91-67) habang nanalo naman ang Hotshots sa Game 1 (78-74), Game 2 (91-89) at Game 5 (89-80) kaya humantong sa 3-3 tabla ang kanilang semifinal  battle.

Sa ganitong laban, higit na nakakalamang ang eksperyensiya kaya malaki ang advantage ni multi-titled coach Tim Cone ng Ginebra laban sa bagitong coach na si Chito Victolero ng Hotshots.

vuukle comment

SAN MIGUEL BEER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with