Third party sa Anthony trade hanap ng Knicks at Clippers

MANILA, Philippines – Naghahanap ang Knicks at Clippers ng ikatlong team para makatulong sa deal na magdadala kay Carmelo Anthony sa Los Angeles, ayon sa ulat ng ESPN.com noong Biyernes.

Sa tingin ng Knicks at Clippers, matutuloy ang deal kahit ‘di sangkot sina Chris Paul, Blake Griffin o DeAndre Jordan.

Bagama’t maraming espekulasyon sa Anthony trade, mayroon pa rin siyang ‘final say’ dahil sa no-trade clause na nagbibigay sa kanya ng karapatang tumanggi o sumang-yon sa trade.

Ngunit lumambot na si Anthony sa kanyang sinabing ayaw niyang umalis ng New York at nagsabing mag-iisip na siya ng bagong lilipatan kung ayaw na siya ng New York at ang Clippers ang sinasabing magandang exit strategy niya.

Hindi malinaw kung kinakausap muna si Anthony ng Knicks bago lumapit sa ibang team o hinihintay munang maging seryoso ang usapan bago pumasok.

Show comments