^

PM Sports

May misyon ang Navy riders sa LBC Ronda Pilipinas

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hangad ng Navy na duplikahin ang pagdomina sa LBC Ronda Pilipinas sa 2017 edition kahit wala ang mga key riders na sina Ronald Oranza, El Joshua Carino at John Mark Camingao sa paglarga ng karera sa Feb. 4 sa Vigan, Ilocos Sur at magtatapos sa March 4 sa Iloilo City.

Sinabi ni Navy team captain Lloyd Lucien Reynante na napuwersa sina Oranza, Carino at Ca-mingao na huwag sumali sa annual 14-stage event, kinokonsiderang pinakamalaking cycling  sa bansa ngayon, upang sumailalim sa masusing training.

“Hindi sila puwedeng kumarera kasi kalangan nilang mag-basic seaman course. Required sa kanila ito,” sabi ng 36-gulang na si Reynante patungkol kina Oranza, Carino at Camingao.

Sina Oranza, Carino at Camingao ay bahagi ng Navy na nanguna sa lahat ng legs noong nakaraang taon na three-leg edition.

Nakataya ang P1 million prize mula sa presentor na LBC katulong ang MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Victory Liner, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

Ang iba pang teams na kasali ay ang Go for Gold, Neopolitan, Ilocos Sur, Iloilo, Mindanao, South Luzon, Kinetix Lab-Army, Bike Extreme, Zambales, Salic at One Tarlac.

Magsisimula ang karera sa Feb. 4 sa pamamagitan ng dalawang stages sa Ilocos at dadaan sa Angeles (Feb. 8), Subic (Feb. 9), Lucena, Quezon (Feb. 12), Pili, Camarines Norte (Feb. 14 at 16), Daet (Feb. 17), Paseo sa Sta. Rosa, Laguna (Feb. 19), Tagaytay at Batangas (Feb. 20), Calamba at Antipolo (Feb. 21) bago matapos sa Iloilo City (March 3 and 4).

 

vuukle comment

LBC RONDA PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with