^

PM Sports

SSC volleybelles asam ang liderato

Pang-masa

MANILA, Philippines - Target ng San Sebastian College Lady Stags na makisosyong muli sa liderato sa women’s division sa kanilang pagharap laban sa Letran Lady Knights ngayon sa pagpapatuloy ng 92nd National Collegiate Athletic Association (NCAA) volleyball tournament na gaganapin sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Tangan ang 2-0 win-loss slate, sasagupain ng Lady Stags ang Letran bandang alas-11:30 ng umaga habang ang San Sebastian men’s team ay makikipagbakbakan kontra sa Letran Knights dakong alas-10 ng umaga. Maglalaban naman ang SSC Staglets at Letran Squires para sa High School division sa alas-8:30 ng umaga.

Sa ibang laro, maghaharap din ang Jose Rizal College Lady Bombers at Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa alauna ng hapon habang ang JRU Heavy Bombers at EAC Generals ay magsasagupa sa alas-2:30 ng hapon.

Pangungunahan ni reigning back-to-back MVP Gretchel Soltones ang Lady Stags na galing din sa 23-25, 26-28, 25-19, 25-18 panalo laban sa Arellano Lady Chiefs.

Ang unang panalo ng Lady Stags ay sa Mapua Lady Cardinals, 25-13, 25-17, 25-13 noong Lunes.

Ang Letran naman ay hindi pa nakapagtala ng panalo sa dalawang laro matapos mabigo sa Lyceum, 25-21, 16-25, 25-21, 22-25, 10-15 na sinundan pa ng 27-25, 25-23, 22-25, 7-25, 12-15 kabiguan sa mga kamay ng St. Benilde Lady Blazers noong nakaraang linggo. (FCagape)

vuukle comment

92ND NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with