^

PM Sports

Bagong house and lot tinanggap ni Diaz bilang bahagi ng insentibo

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi sasapitin ni Pi-nay weightlifter Hidilyn Diaz ang masaklap na nangyari kay boxer Mansueto ‘Onyok’ Ve-lasco, Jr. noong 1996.

Kahapon ay pormal na ibinigay kay Diaz ang titulo para sa kanyang bagong house and lot na nagmula sa Deca Homes.

Ito ay bahagi ng insentibo ng 25-anyos na si Diaz para sa kanyang makasaysayang paghab-lot sa silver medal sa nakaraang 2016 Olympic Games sa  Rio De Janei-ro, Brazil.

Napormalisa ang isang memorandum of agreement sa pagitan ng Philippine Sports Commission at ng 8990 Holdings, ang kumpan-ya ng Deca Homes.

“Pinapa-inspire ninyo ‘yung ibang atleta na makamit nila ang medal sa Olympics,” wika ng tubong Zamboanga City na si Diaz.

Ang nasabing house and lot na nasa Clark, Pampanga ay nagkakahalaga ng P450,000.

Ang naturang lugar ay personal na pinili ni Diaz, ayon kina PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez at 8990 Holdings president at chief executive officer JJ Atencio.

Nauna nang tinanggap ni Diaz ang cash incentive na P5 milyon base sa Republic Act 10699 o ang ‘Sports Benefits and Incentives Act’ para sa pagtatapos ng 20 taon na pag-kauhaw ng bansa sa Olympic medal.

Nagdagdag din si Pangulong Rodrigo Du-terte ng P2 milyon para kay Diaz, habang P1.4 milyon ang ibinigay ng Kongreso.

Si Velasco ang hu-ling nakapagbigay ng Olympic medal sa bansa nang sumuntok ng silver noong 1996 sa Atlanta, USA.

Pinangakuan si Ve-lasco ng Kongreso ng P2.5 milyon na hanggang ngayon ay hindi pa niya natatanggap.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with