Lady Bulldogs nakatikim ng panalo

Caecent No-ot Magsumbol (Pang-masa) - June 14, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinutol ng NU Lady Bulldogs ang kanilang 2-game losing skid matapos padapain ang Iriga Lady Oragons sa iskor na 25-15, 25-16, 25-18 sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Open Conference kahapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.

Nagtala ng 12 puntos si Jorelle Singh, habang kumolekta ng 10 puntos si setter Jasmine Nabor kasama ng 26 na excellent sets para pangunahan ang Lady Bulldogs sa kanilang ikalawang panalo sa kabuuang apat na laro.

Nanaig ang magandang floor defense ng NU sa pangunguna ni libero Gayle Valdez na isa rin sa nagpahirap sa opensa ng Lady Oragons.

Nalasap naman ng Iriga ang kanilang ikatlong talo sa apat na laro (1-3).

Sa Spikers Turf, nakuha ng Sta. Elena Construction Wrecking Balls ang kanilang unang panalo sa Open Conference kontra sa Navy Sailors sa iskor na 25-20, 35-33, 21-25, 25-19 kahapon.

Nagsanib pwersa sina Berlin Paglinawan na tumapos ng may 23 puntos, at Joven Camaganakan na nagtala naman ng 20, upang masungkit ng Wrecking Balls ang kanilang unang panalo sa tatlong laro (1-2).

“Matagal na naming nakita yan si Berlin na gusto talagang maglaro, kaso ang kapalitan niya sa utility ay yung team captain which is Honrade,” pahayag ni Sta. Elena coach Arnold Laniog. “Nakiusap si Berlin ng playing time from Rocky at nakita naman namin yung fire na kagustuhan talaga niyang maglaro. Naintindihan naman ni Rocky as a captain and buti naman nag-work ngayon.”

Umiskor ng 14 na puntos si Ruzzel Palisoc para sa Sailors na nalasap ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo (0-3).

Dahil dito, kakaila-nganing maipanalo ng Sailors ang kanilang sunod na laro upang buha-yin ang kampanya sa Open Conference. (FML)

BARBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with