Compton nanatiling kumpiyansa na kaya ng Alaska
MANILA, Philippines – Bagama’t tatlong beses nabigong tapusin ang kanilang serye ng San Miguel, kumpiyansa pa rin si coach Alex Compton na makokopo ng Alaska Milk Aces ang 2016 Smart Bro PBA Philippine Cup championship.
Wala silang ibang nasa isip kundi ang ipanalo ang winner-take-all match laban sa San Miguel bukas sa Mall of Asia Arena.
“We’ve got to play. We have no excuse for the hole we’re in. It’s a one-game toss-up, we’ll see what happens,” sabi ni Compton.
Idinagdag pa ng Alaska bench chieftain na wala sa kanila ang ‘pressure’ kundi ito ay dala ng San Miguel dahil sa pagiging reigning two-conference champions.
“I don’t know how you guys see it, but the team you’re all writing about that was expected to win a grand slam, now has to step up in Game Seven,” wika ni Compton.
Subalit ang kabiguan ay mas magiging mapait para sa Aces na maaaring maging unang koponang sinayang ang malaking 3-0 bentahe sa isang best-of-seven finals.
Puwedeng ang Beermen ang maging unang tropang nakabawi mula sa 0-3 pagkakabaon para makatabla sa 3-3 ngunit kumulapso sa Game Seven.
Umaasa si Compton na sila ang maisusulat sa PBA history at hindi ang Beermen.
“I get excited about this stuff as I have a hard head. I’m a believer and I firmly believe in my guys. My guys are such a great group to coach, and I hope I can deliver for them and we play a great game,” ani Compton.
“Sulit na sulit ang fans,” dagdag pa nito.
Naniniwala ang Alaska mentor na hindi pa siguradong mananalo ang Beermen kahit na bumalik pa si June Mar Fajardo.
“One team will make it happen, one won’t make enough plays to make it happen. One team will be champion, one won’t. That’s just how it works,” sabi ni Compton.
- Latest