4 araw na pahinga makakabuti sa Beermen
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 30, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Matapos iposte ang malaking 3-0 bentahe ay natalo ang Alaska sa nagdedepensang San Miguel ng tatlong sunod na nagtabla sa kanilang championship series sa 3-3.

Nakatakdang pag-agawan ng Aces at Beermen ang korona ng 2016 PBA Philippine Cup sa Game Seven sa Miyerkules sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kumpara sa Alaska, mas makikinabang ang San Miguel sa naturang four-day break.

“I think the rest is actually better for San Miguel than us,” sabi ni Aces’ coach Alex Compton na nakalasap ng 89-100 kabiguan sa Beermen sa Game Six noong Bi­yernes na nagtabla sa ka­nilang best-of-seven title series sa 3-3.

Sa naturang break ay inaasahang mas mapapa­hinga ang left knee inju­ry ni back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo.

Mula nang magkaro­on ng injury sa semifinals wars ng San Miguel at Rain or Shine ay sa Game Five lamang muling nakapag­laro ang 6-foot-10 na si Fajardo.

Sa panalo ng Beermen sa Game Five ay umiskor si Fajardo, ang Best Player of the Conference, ng 13 points kasunod ang kanyang 16 markers sa Game Six.

Sinabi ni San Miguel mentor Leo Austria na hanggang ngayon ay hindi 100 percent na nasa kon­disyon si Fajardo dahil sa kanyang knee injury.

“I think June Mar will be able to recover,” wika ni Austria sa Cebuano star. “Until now, he’s only seventy percent. I hope in Game Seven, maka-eighty-five to ninety na.”

“Sa first three games sa finals, sobrang na-frustrate talaga ako. Pinaghira­pan naming ‘yung off-season. Goal naming makarating sa finals tapos na-injured ako. Siyempre, nakaka-frustrate ‘yun. Wala akong ibang maitulong sa teammates ko,” litanya naman ni Fajardo.

ACIRC ALEX COMPTON ANG BEERMEN BEST PLAYER OF THE CONFERENCE FAJARDO GAME FIVE GAME SEVEN GAME SIX SAN MIGUEL SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with