Anong jersey ni Kobe ang ireretiro?

Si Kobe Bryant sa dalawang magkaibang jersey number.

MANILA, Philippines – Naging matagumpay ang NBA career ni Kobe Bryant sa pagsusuot ng dalawang magkaibang jersey numbers at sa kanyang  nalalapit na pagreretiro ay wala pang desisyon ang Los Angeles Lakers kung anong numero ang kanilang ireretiro.

“Obviously it’s going to be 8, 24 or it could be both,” sabi ni Lakers General Manager Mitch Kupchak. “I don’t know the answer.”

Ginamit ni Bryant ang jersey No. 8 nang kunin ng Lakers noong 1996-97 kung saan siya nanalo ng tatlong NBA championships at nagtala ng 81-point performances habang suot ito.

Ginamit niya ang No. 24 bago ang 2006-07 season at nanalo ng dalawang korona sa pagsusuot nito hanggang sa kanyang pang-20 at final season.

“This is a year that’s dedicated to Kobe and his farewell,” wika ni Kupchak.

Sa susunod na taon ay itataas ng Lakers ang jersey number ni Bryant sa kanilang arena rafters. Posibleng No. 8 at No. 24.

Show comments