^

PM Sports

PLDT susubukan ang 2-bagong imports

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines – Masusubukan nga-yon ng PLDT Home Ultera Fast Lady Hitters ang kanilang dalawang bagong imports sa pagharap sa Kia Forte sa pagtatapos ng Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference elimination round nga-yon sa The Arena sa San Juan City.

Hinugot ng Open Conference champion Fast Lady Hitters sina 6’4” Sareea Freeman at 6’3” Victoria Hurtt para palakasin ang paghahabol sa pangalawang titulo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Mapapanood ang laro sa ganap na ika-12:45 ng hapon at pakay ng PLDT ang ikaapat na panalo sa limang laro para sa ikalawang puwesto sa anim na koponang liga.

Ang nangungunang Army Lady Troopers ay magbabalak na makumpleto ang 5-0 sweep laban sa UP Lady Maroons sa ikalawang laro dakong alas-3 ng hapon.

Inaasahang gagamitin ng Lady Troopers ang malawak na karanasan para daigin ang angking liksi ng mga batang manlalaro ng Maroons na gustong putulin ang dalawang dikit na pagkatalo.

May isang panalo lamang ang Kia sa apat na laro at bagama’t dehado sa labanan ay asahan na gagawin ang lahat para mapuwersa ang playoff sa pahingang Navy Lady Sailors.

Tinapos ng Navy ang kampanya sa elimination  round bitbit ang  2-3 karta at hindi na sila dadaan sa playoff kung mananalo ang PLDT.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARMY LADY TROOPERS

FAST LADY HITTERS

HOME ULTERA

HOME ULTERA FAST LADY HITTERS

KIA FORTE

LADY MAROONS

LADY TROOPERS

NAVY LADY SAILORS

OPEN CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with