Azkals nalusutan ng Yemen
MANILA, Philippines – Ilang minuto na lamang ang nalalabi at tila mauuwi sa scoreless draw ang ikalawang pagtutuos ng Philippine Azkals at Yemen noong Huwebes ng gabi sa Rizal Memorial Football Field.
Ngunit sa di inaasahang pangyayari, nakalusot si Ahmed Al Sarori tungo sa marginal goal at ang Yemen ay nagwagi sa 1-0 iskor sa FIFA World Cup Qualifying.
Naipagpag ng pamalit na si Al Sarori ang mga defenders ng Azkals bago naipasok ang goal sa 83rd minute ng labanan para maipaghiganti ang 0-2 pagkatalo sa unang pagtutuos.
Masakit ang pagkatalong ito dahil dominado ng Azkals ang laro at may 5-3 bentahe sila sa shots on goal. Ngunit walang naipasok ang Azkals habang ang suwerte ay napunta sa Yemen na may ipinagdiwang din kahit ang bansa ay may hinaharap na giyera.
“We had two to three chances to score. If you have that chances and the other team scored, something is wrong,” pahayag ni Azkals coach Thomas Dooley. “You could see that the combination, the understanding in the field wasn’t there today.”
Naglaro ang Azkals na wala si team captain Phil Younghusband at starting goal keeper Neil Etheridge dahil ang una ay suspindido dahil naabot na ito ang quota sa naitawag na yellow card habang si Etheridge ay may iniindang hamstring injury.
Ang pagkatalo ay pangalawang sunod para matapos na ang pangarap ng pambansang koponan na uma-bante pa sa round three ng Qualifier sa pagkakaroon lamang ng pitong puntos.
- Latest