PLDT Fast Hitters ipinanalo ni Alfafara
ATan (Pang-masa) - November 9, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Laban sa walang talong katunggali lumabas ang bangis ni Mark Alfafara para gabayan ang PLDT Home Ultera Fast Hitters sa 23-25, 25-21, 25-21, 25-14 panalo laban sa Air Force Airmen sa Spikers’ Turf Reinforced Conference noong Linggo sa The Arena sa San Juan City.

Nakabawi ang Fast Hitters sa pagkatalo sa unang set nang manalasa si Alfafara na gumawa ng 20 kills at 5 blocks para wakasan ng koponan ang kampan-ya sa elimination round bitbit ang 3-2 karta.

Ito naman ang unang pagkatalo matapos ang apat na sunod na panalo ng Air Force sa ligang inor-ganisa ng  Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Katabla ng Air Force ang Cignal HD Spikers sa unang puwesto sa 4-1 panalo-talo pero may 12 puntos ang una at angat ng isa sa huli para pangunahan pa rin ang single round elimination.

Magtatapos ang aksyon sa elims sa Miyerkules at paglalabanan ng IEM Volley Masters at Navy Sailors ang huling upuan patu-ngong semifinals.

Magkatabla sa kasalukuyan ang magkabilang panig sa 1-3 baraha habang ang Sta. Elena Wrecking Balls ay pahi-nga na sa 1-4 baraha.

AIR FORCE AIR FORCE AIRMEN ANG ELENA WRECKING BALLS FAST HITTERS HOME ULTERA HOME ULTERA FAST HITTERS MARK ALFAFARA NAVY SAILORS SAN JUAN CITY SPORTS VISION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with