Cast ng semifinals balak kumpletuhin ng Foton
ATan (Pang-masa) - November 9, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Kumpletuhin na ang mga koponang magla-laro sa semifinals ng 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix volleyball tournament ang balak gawin ng Foton Tornadoes sa pagpapatuloy ng aksyon ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sasalang sa aksyon ang mainit na Tornadoes sa ganap na ika-4  ng hapon at katipan nila ang Meralco Power Spikers.

May tatlong sunod na panalo at bitbit ang 4-3 karta ang Foton pero sakaling manaig uli sila ay opisyal na papasok sila sa semifinals sa ligang inorgansia ng SportsCore at handog ng Asics at Milo na suportado rin ng Mikasa, Senoh at Mueller na napapanood sa TV5.

Kung masisilat ang Foton, puwede pa rin silang umabante sa susunod na round kung mananalo ang Philips Gold Lady Slammers sa RC Cola-Air Force Raiders sa ikalawang laro dakong alas-6 ng gabi.

Pasok na sa semifinals ang nagdedepensang kampeong Petron Lady Blaze Spikers, Cignal HD Lady Spikers at Philips Gold habang ang Raiders na may anim na sunod na kabiguan matapos manalo sa unang asignatura, ay may katiting na tsansa pang makigulo.

Kailangan nilang maipanalo ang nala-labing apat na laro at manala-ngin na hindi na magwagi pa ang Foton.

Tiyak na muling masisilayan uli ang ga-ling ng mga Tornadoes imports na sina  Lindsay Stalzer at Kathleen Messing pero hindi pahuhuli ang mga locals sa pangunguna ni 6’5” Jaja Santiago para makapasok sa Final Four sa ikalawang conference ng  liga sa taon.

May 0-7 baraha ang Meralco pero determinado silang  makatikim ng panalo.

ANG COLA-AIR FORCE RAIDERS FINAL FOUR FOTON FOTON TORNADOES GRAND PRIX JAJA SANTIAGO KATHLEEN MESSING LADY SPIKERS LINDSAY STALZER MERALCO POWER SPIKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with