^

PM Sports

Stalzer saludo sa kakayahan ni Santiago

Pang-masa

MANILA, Philippines – Saludo si Foton Tornadoes import Lindsay Stalzer sa galing ng kakamping si 6’5” Jaja Santiago.

Ayon sa 31-anyos na dating manlalaro rin ng Cignal na si Stalzer, kakaiba ang talento ni Santiago at nakikitaan niya ito ng malaking potensyal hindi lamang para maging pinakamahusay na lady volleyball player ng bansa kungdi para maging import sa ibang malalaking liga sa ibang bansa.

“She’s awesome. She has incredible athletic ability, she has great attitude and work ethic. For sure, she can play at any different leagues at high level,” wika ni Stalzer.

Isa si Santiago sa anim na bagong manlalarong hinugot ni Tornadoes para sa Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix at isa siya sa dahilan kung bakit nanalo ang koponan sa kanilang huling tatlong laro para sa 4-3 karta.

May alok na  kay Santiago mula sa isang Chinese Taipei team pero hindi na niya muna ito iniintindi dahil pinagtutuunan niya ang tulungan ang Foton na makamit ang kanilang unang titulo sa dalawang taong pagsali sa liga.

Matapos ang PSL ay pangungunahan ni Santiago ang laban ng National University Lady Bulldogs sa 78th UAAP women’s volleyball.

“Lahat po ng manlalaro ay gustong maging import sa liga sa ibang bansa. Kung ito po ang will ni God, mangyayari po iyan,” wika ni Santiago, na siya ring pinakamatangkad na lady volleyball player ng bansa. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

CHINESE TAIPEI

CIGNAL

FOTON TORNADOES

GRAND PRIX

JAJA SANTIAGO

LINDSAY STALZER

NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

STALZER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with