^

Blackwater nakatikim ng panalo

RCadayona (Pang-masa) - November 4, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Matapos mabigong makapagtala ng panalo sa nakaraang All-Filipino, nakamit na rin ito ng Blackwater kagabi.

Isang pabandang tira ni guard Carlo Lastimosa sa natitirang dalawang segundo ang naglusot sa Elite sa 92-90 panalo laban sa Meralco Bolts sa 2015 PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtala ang Blackwater ng 0-11 kartada sa nakaraang All-Filipino tournament bago ang tagumpay kontra sa Meralco.

“Ang sarap. This is our first win sa All-Filipino dahil last year 0-11 kami,” sabi ni coach Leo Isaac. “Finally, we got a win and we hope that things will be on our favor.”

Nagposte ang Elite ng 18-point lead, 63-46, sa gitna ng third period hanggang makatabla ang Bolts sa 84-84 mula sa three-point shot ni Jared Dillinger sa 3:44 minuto ng fourth quarter.

Ganap na naagaw ng Meralco ang unahan sa 87-84 buhat sa basket ni Gary David sa 2:40 minuto bago muling mapasakamay ng Blackwater ang kalama-ngan, 90-87 galing sa tres ni Reil Cervantes at free throw ni Lastimosa sa hu-ling 14 segundo.

Ang tres ni Cliff Hodge ang nagtabla sa Bolts sa 90-90 sa nalalabing anim na segundo kasunod ang winning basket ni Lastimosa para sa Elite.

Pinamunuan ni center JP Erram ang Blackwater sa kanyang 14 points bagama’t nakuha ang kanyang huling foul sa huling apat na minuto ng laro kasunod ang tig-12 nina Cervantes, Mike Cortez, Bambam Gamalinda at JR Sena at 11 ni Lastimosa.

Binanderahan naman ni David ang Meralco sa kanyang 23 markers sa itaas ng 15 ni Dillinger, 13 ni Hodge at 10 ni Rabeh Al-Hussaini.

ALL-FILIPINO ANG BAMBAM GAMALINDA CARLO LASTIMOSA CLIFF HODGE GARY DAVID JARED DILLINGER LASTIMOSA LEO ISAAC MALL OF ASIA ARENA MERALCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with