8 pang events lalarga na sa Oktubre

MANILA, Philippines – Iinit pa ang aksyon sa UAAP sa paglarga ng walong sports sa buwan ng Oktubre.

Mangunguna rito ang inaaba-ngang Cheerdance na gagawin sa Oktubre 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City habang ang  men’s at women’s beach volley ay magbubukas sa Oktubre 9 sa Sands at the Bay sa SM Mall of Asia.

Aksyon sa taekwondo ay lalarga na sa Oktubre  13 sa  Blue Eagle Gym, ang table tennis ay paglalaba-nan na sa Oktubre 17 sa Ninoy Aquino Stadium habang ang swimming ay hahataw mula Oktubre 22 hanggang 25 sa Rizal Memorial Swimming pool. (AT)

 

Show comments