Alcantara, Lim at Arcilla pasok sa 3rd round ng PCA Open

MANILA, Philippines – Magkakasunod na na­­kapasok sina Francis Casey Alcantara, AJ Lim at Johnny Arcil­la sa third round para sa­ma­han ang nagdedepen­sang si PJ Tierro sa 34th Philippine Columbian As­sociation Open-Ce­bua­na Lhuillier Wildcard Event kahapon sa PCA Plaza Dilao clay courts sa Paco, Manila.

Pinagulong ni Alcan­tara, ang dating Australian juniors doubles champion na naghari sa nakaraang Olivarez Cup, si Carlo Nono, 8-2,  ha­bang dinaig ni Lim, isang 16-anyos na ITF campaigner, si Rodolfo Barquin, 8-0.

Hindi naman pi­na­wisan si Arcilla, ang eight-time winner ng na­sabing annual event, ma­tapos ang walk­over win kay Chris Prulla.

Makakatapat ni Al­can­tara sa third round si Joel Atienza, nagta­la ng 8-0 panalo kay San­tino Vista, habang ma­kakalaban ni Lim si Jimmy Tangalin, binigo si Michael Madrio, 8-3, at makakatapat ni Arcil­la si John Alejandre sa event na suportado ng Cebuana Lhuillier, Pu­ma, Dunlop, The Philippine Star, Head, Babolat, Compass/IMOSTI at ni Sarangani Congress­man Manny Pacquiao.

Ang iba pang nanalo ay sina No. 3 Elbert Anas­ta, No. 6 Marc Anthony Alcoseba at No. 8 Ronard Joven na tumalo kina Jomari Guira, 8-2, Harry Caron, 8-4, at Jo­se Nicholas Cano, 8-3, ayon sa pagkakasunod.

Ang mga finalists sa men’s singles ay aa­ban­te naman sa main draw ng 2015 Manila In­ternatio­nal Ten­nis Fe­deration (ITF) Men’s Fu­tures Leg 2.

Ito ay ihaha­taw sa Ok­tubre 2.

Show comments