^

PM Sports

‘Yaya Dub’ gagawing muse ng Ginebra sa 41st PBA season

Pang-masa

MANILA, Philippines – Mula sa Eat Bulaga ay maaaring makita ni ‘Yaya Dub’ o Maine Mendoza ang kanyang sarili na pu­maparada sa opening ce­re­monies ng darating na 41st PBA season sa Oktubre 18.

Maraming fans ng Ba­rangay Ginebra ang hu­mi­hiling sa San Miguel Cor­poration na kuhanin si Men­doza bilang muse ng Gin Kings.

Nangako naman si Gi­nebra alternate board of governor Alfrancis Chua na gagawin niya ang lahat para mapagbigyan ang ka­nilang mga fans.

“Mga ka barangay susubukan natin ibigay ang idea sa marketing para ma­kuha natin si YAYA DUB para muse ng ginebra,” sabi ni Chua sa kanyang Twitter account na @alfrancischua.

Ilang PBA teams din ang nag-iisip na kunin si Men­doza bilang muse pa­ra sa pagbubukas ng liga.

Sumikat si Mendoza da­hil sa kanyang mga vi­deos sa Dubsmash, isang video messaging app kung saan makakapili ang isang tao ng voice clip na kanilang ida-dub.

Lalo pang naging po­pular si Mendoza nang itam­bal sa aktor na si Alden Richards sa ‘Kalye­serye’ ng Eat Bulaga kung saan siya ang yaya ni Lola Nidora na ginagampanan ni Wally Bayola.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALFRANCIS CHUA

ANG

EAT BULAGA

GIN KINGS

LOLA NIDORA

MAINE MENDOZA

MENDOZA

SAN MIGUEL COR

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with